PH

Rebyu sa Digido.ph

Sa kasalukuyan, maraming Pilipino ang paminsan-minsan na nangangailangan ng pera para sa mga hindi inaasahang gastusin at ang halaga na kanilang kailangan ay mas maliit kumpara sa mga inaalok na pautang sa bangko tulad ng home loan o car loan. Sa panahon ngayon, hindi lamang sa mga bangko maaaring humiram ng pera. Mayroon nang mga pinansiyal na institusyon na maaaring tumugon sa mga agarang pangangailangan sa pera na hindi kasing komplikado ang proseso sa mga bangko. Dito pumapasok ang mga online loan mula sa mga online lending platform. Popular ang mga online loan dahil ito ay maginhawa, mabilis, at legal.

Bakit Digido?

Ang Digido ay isa sa mga online lending platform sa Pilipinas ngayon. Ang platform na ito ay rehistrado sa Bangko Sentral ng Pilipinas, kaya sigurado ka na ito ay legal, ligtas at mapagkakatiwalaan. Ang Digido ay mayroong madali at mabilis na paraan ng pagkuha ng loan. Sa pamamagitan lamang ng pagrehistro ng account sa kanilang website, makakahiram ka ng P1000 hanggang P10,000 sa unang beses at hanggang P25,000 kapag nanghiram ka ulit. Makukuha mo ang halagang ito sa paraan na iyong nais at sa napakababang antas ng interes - 0% para sa mga unang beses manghiram at hindi hihigit sa 1.5% bawat araw para sa mga regular na kustomer.

Paano makakuha ng Loan sa Digido?

Maaari kang makakuha ng loan sa Digido kung ikaw ay:

  • Isang Pilipino, 21-70 taong gulang at may balidong ID mula sa gobyerno
  • Ang iyong numero ng telepono ay hindi naka-block
  • Ikaw ay nakarehistro sa website ng Digido

Madaling humiram ng pera sa Digido dahil ang buong proseso ay digital. Magagawa mo ito gamit ang iyong cellphone o kompyuter at koneksyon sa internet. Ito ay nagaganap nang real time at hindi mo kailangang maghintay nang matagal.

Tatlong hakbang lamang ang dapat gawin upang makapag-loan:

1. Gumawa ng account sa website ng Digido: Napakadali lamang nito, sagutan lamang ang form ng iyong personal impormasyon. Kailangan mo lang ng iyong ID at numero ng telepono. Ang mga tinatanggap na ID ay ang mga sumusunod

  • Driver’s License
  • Passport
  • UMID ID
  • SSS ID
  • TIN ID
  • New Philhealth Card (PVC Type)

2. Ipaalam ang paraan upang makuha ang loan: Ang Digido ay nakikipagtulungan sa mga malalaking mga kasosyo upang makuha mo ang iyong loan sa pinakamaginhawang paraan. Dagdag pa rito, may kalayaan ka na pumili ng halaga at panahon ng loan.

3. Pumirma ng kontrata: Kompirmahan ang iyong pagpayag sa pagkuha ng loan online. Matatanggap mo ang code sa pagkompirma sa pamamagitan ng mensahe sa telepono.

Gaano kabilis ko makukuha ang aking hiniram na pera?

Kapag naapruba ang iyong aplikasyon kaagad na ipapadala ng Digido ang pera na iyong hinihiram sa paraan na pinakakomportable sa iyo. Maaari mo itong matanggap sa loob ng 1 hanggang 2 araw depende sa iyong bangko. Kung naaprubahan ang iyong aplikasyon, posibleng matanggap mo ang pera kinaumagahan. Kung mangyari ito ng weekend, matatanggap mo ang pera Lunes ng umaga.

Kailan ako dapat magbayad?

May kalayaan ka na pumili ng halaga at panahon ng loan at ang interes at ito ay nakadepende sa halaga na iyong gustong hiramin at panahon ng loan. Ang kabuuang halaga ng muling pagbayad ay makikita sa credit calculator bago ka mag-apply.

Maaari kang magbayad ng iyong hiniram na pera sa pamamagitan ng iba’t ibang bangko o paraan ng pagbayad. Walang ibang singil na ipapataw kung magbabayad ka sa tamang panahon.

Almira Reyes
Editor
6761
213
Nirerekomendang basahin
Benepisyo ng Isang Online Loan
Magbasa pa
Paano Magbayad ng Loan
Magbasa pa
7 Karaniwang Dahilan Upang Kumuha ng Loan
Magbasa pa
Paano ako Magiging Kwalipikado para sa Isang Loan?
Magbasa pa
Lahat ng artikulo