PH

Pangunahing pahina / Blog / Paano Mapapahusay ang iyong Credit History

Paano Mapapahusay ang iyong Credit History

Ang mga bangko ay nagpapalita ng impormasyon sa credit ng isang kustomer, na tinatawa na credit history, at kapag ikaw ay may negatibong marka, naiimpluwensiyahan nito ang iyong kabuuang kasaysayan. Bago natin malaman kung paano mapapahusay ang isang masamang credit, dapat nating malaman kung ano ba talaga ang masamang credit history at bakit ito mahalaga.

Ano ang isang credit history?

Ang credit history ay datos kung saan dinidetalye ang numero at uri ng iyong mga account sa credit, gaano katagal naging bukas ang isang account, halaga na inutang, halaga ng nagamit na credit na magagamit, kung nabayaran ba sa oras ang mga bayarin, at bilang ng mga inquiry kamakailan.

Para saan ito?

Tinutukoy ng credit history ang iyong kakayahan na magbayad ng credit at ipinapakita na bilang isang responsable at solvent na kliyente. Kung ang iyong history ay may anumang linya tungkol sa pagkabigong magbayad, nabangkarote, mga paghuhusga, lien, o sa collections, ang isang pinansiyal na organisasyon ay may karapatan na hindi magbigay sa iyo ng loan. Kailangan mo ng credit history upang makuha ang posibleng pinakamababang interes at panahon ng loan - kung mas mahusay ang history, mas mababang interes ang iyong makukuha.

May kailangan ba talaga akong gawin sa aking masamang history?

Kung gusto mo lang. Maraming mga nagpapautang sa merkado na nakikipag-negosyo sa ganitong uri ng kliyente. Palagi kang may tiyansa na makakuha ng loan gamit ang aming serbisyo sa pinakamahusay na posibleng kondisyon.

Ang buhay ng isang credit history sa karaniwan ay 2-5 taon. Kaya kung gusto mong ayusin ito, kailangan mo lang maghintay o sumunod sa mga istratehiya sa ibaba.

Unang Istratehiya

Ang diskarteng ito ay humihikayat sa iyo na tumuon sa mga maliliit na halaga. Kumuha ng napakaliit na loan at magbayad sa tamang panahon. Kung kaya mo lang magbayad ng minimum, ayos lang. Isang magandang paraan upang masigurado na nabayaran mo na iyong mga loan sa isang buwan ay magtakda ng mga paalala sa kalendaryo at gumawa plano sa pagbabayad. Maipapakita nito sa mga nagpapautang na ikaw ay mabuti sa iyong pagpipinansiya at pagpaplano sa oras. Ang pagkuha hindi lang ng isa ngunit maraming loan ay mas mabilis na magpapataas ng iyong iskor. Isang karaniwang kaalaman na ang mga kompanyang pinansiyal ay mas madali at nais nag magpahiram kaysa mga bangko, kaya ito na ang iyong pagkakataon. Ang istratehiyang ito ay mabagal ngunit steady.

Ikalawang Istratehiya

Kung ikaw ay may credit card, bigyang atensyon ang paggamit rito. Gumastos ng mababa sa 30% ng iyong limit sa anumang card; mas mabuti kung mas mababa. Ginagamit ng mga nagpapaurang ang 30/70 proportion upang itaya kung gaano kahusay ka sa pamamahala ng iyong pera. Halimbawa, ipaglagay natin na mayroon kang dalawang card na may credit limit ng P100,000 bawat isa at may P25,000 na hindi nabayarang balanse sa isang card. Ang iyong credit utilization ratio ay 12.5%. Sa ganitong sitwasyon, ipagsama ang iyong kabuuang utang (P25,000) at i-divide ito sa iyong kabuuang credit limit (P200,000).

Isang direktang paraan upang masigurado na bumubuti ang iyong history is ay magbayad ng ilang beses sa isang buwan upang makita ang iyong balanse nang regular, o magbayad bago ang petsa ng billing. Mabilis itong gumana, dahil kinokontrol natin ang dalawang pangunahing salik sa iyong credit history – paggamit at pagbayad sa tamang panahon.

Ikatlong Istratehiya

Isa pang dagdag na punto sa nakaraang paraan. Humiling ng mas mataas na credit limit upang mapataas ang iyong credit utilization ratio, ang pagkakaiba ng balanse at ang ginastos na pera. Maaaring bigyan ka ng mas mataas na limit kung ang iyong kita ay tumaas o ikaw ay may ilang taon ng positibong credit. Mabilis ang istratehiyang ito ngunit humanda ka na patunayan ang iyong sweldo. Sa oras na mag-update ang iyong datos sa credit, ang iyong kabuuang credit utilization ay bababa.

Ang mga sakuna sa credit ay nawawala rin sa nakaraan. Hindi mo kailangag magkaroon ng perpektong credit history upang makakuha ng loan ngayon sa Cash Space. Bibigyan ka namin ng pagpipilian ng mga pinakabagong alok na umaayon sa iyong pangangailangan. Hindi ka namin sisingilin, at lahat ng aming mga serbisyo ay libre. Sagutan ang aplikasyon at darating ang pera sa iyong account sa loob ng 20 minuto.

7175
1298
Nirerekomendang basahin
Bakit Mas Popular ang mga Pinansiyal na Organisasyon kaysa mga Bangko?
Magbasa pa
7 Karaniwang Dahilan Upang Kumuha ng Loan
Magbasa pa
Paano ako Magiging Kwalipikado para sa Isang Loan?
Magbasa pa
Rebyu sa Digido.ph
Magbasa pa
Lahat ng artikulo