PH

Ano ang Isang Loan?

Ang isang loan ay isang utang sa saglit na panahon sa maliliit na halaga para sa personal na dahilan.

Ang isang loan ay may apat na pangunahing bahagi: halaga, interes, muling pagbabayad, at panahon. Kailangan natin magkaroon ng mas malalim na kaalaman sa mga terminong pinansiyal na ito upang mas maunawaan ang isang loan.

Ang halaga, o principal, ay ang halaga ng pera na iyong natanggap mula sa nagpapautang.

Ang antas ng interes ay ang porsyento ng interes na sinisingil ng isang pinansiyal na organisasyon kapag ikaw ay humiram ng pera. Tinutukoy ng mga nagpapautang ang iyong antas ng interes ayon sa iyong credit history, o sa halaga na iyong hiniram.

Ang muling pagbabayad, o hulugang pagbabayad, ay karaniwan ay isang nakatakdang halaga ng mga regular na pagbayad para sa isang loan.

Ang panahon ay ang panahon upang mabayaran nang buo ang loan. Ang panahon ay mula sa ilang araw hanggang ilang taon depende sa uri ng loan.

May dalawang paraan sa paghiram ng pera: credit at loan. Itinuturing namin ang pagkakaiba nito nang mas detalyado sa ibaba.

Ang isang credit ay nakaseguro sa pamamagitan ng iyong mga pag-aari hal. account, ari-arian, kotse. Mahalagang tandaan na ang halaga na iyong matatanggap ay hindi one-to-one sa halaga ng pag-aari. Halimbawa, ang pagbibigay ng isang P3.5 milyong sasakyan bilang kolateral ay hindi magreresulta sa isang P3.5 milyon na credit. Ang uri ng paghiram na ito ay kailangan ng mas matagal na panahon upang aprubahan dahil ang halaga ay malaki. Ang credit ay maaaring gamitin para sa malakihang pagbili. Ang mga halimbawa ng isang credit ay mga credit sa sangla, negosyo, o kotse.

Ano ang mangyayari kung makaligtaan mong magbayad ng credit? Pagkatapos ng ilang nakaligtaang bayad, ang bangko ay bawiin o kuhain ang pag-aari na ginamit upang masigurado ang hiniram na pera.

Ang isang loan ay ang pinakapopular na uri ng paghiram ng pera. Naging laganap ang mga loan dagil sa kanilang madaling kahilingan. Ang kailangan mo lang ay ang pagnanais na makatanggap ng pera, at kahit ang iyong credit history ay hindi nakakaimpluwensiya sa proseso. Kadalasan ang mas madaling makakuha ng isang loan dahil ang mga nagpapautang ay nagbibigay ng mas maliit na halaga. Ito ay inaaprubahan sa loob ng kalahating oras dahil mas kaunting mga impormasyon ang kailangan. Ang uri ng paghiram na ito ay madalas na ginagamit para sa gastos sa edukasyon, personal na dahilan, hindi inaasahang gastos, o debt consolidation.

Ano ang mangyayari kung mabigo ka sa pagbayad ng isang loan. Ang mga nabigong pagbabayad ay mapupunta sa collections; at bababa ang credit score. Dahil walang kolateral na kailangan, ang nanghihiram ay walang panganib na mawalan ng anumang pag-aari, kaya ang ari-arian ay ligtas.

Ang isang loan ay may ilang hindi halatang adbentahe, tulad ng:

  • Instant pagbigay ng pera. Kapag ang iyong aplijasyon ay naaprubahan, ang pera ay kaagad na ipapadala sa iyong account.
  • Flexibility. Ikaw ang pipili ng halaga at panahon ng loan.
  • Karagdagang oportunidad. Bagay na bagay ito para sa mga unang beses na aplikante at isang magandang batayan para sa isang positibong credit history sa hinaharap.

Basahin din ang mga dahilan upang kumuha ng isang loan

Kapag ikaw ay kumuha ng isang loan, ikaw ay nanghihiram ng isang takdang halaga ng pera at sumasang-ayon na bayaran ito sa loob ng isang takdang panahon, kadalasan ay may tiyak na interes. Ang antas ng interes ay nakadepende sa panahon ng alok na loan. Mahalagang maging napapanahon sa iyong pagbabayad, dahil kung hindi ito ay maaaring makaimpluwensiya sa iyong credit history. Ikaw ay may opsyon na bayaran ang loan nang mas maaga. Ang paraan ng muling pagbabayad, halaga, at iba pang detalye ay natatangi at nakatukoy sa kasunduan.

Ang tampok sa isang loan ay ang dali ng pag-apply at mabilis na pagbibigay nito, dahil ang maliit ang halaga at online ang proseso. Nangangailangan ito ng kakaunting dokumento at pagsisikap. Kapag kumuha ka ng isang loan, hindi ng isang credit, ang tiyansa ng pag-apruba ay lubos na tumataas. Ito ang dahilan bakit popular ang mga loan ngayon.

Nagbibigay kami sa iyo ng pagpipilian ng mga pinakahinihiling na mga nagpapautang na nagbibigay ng mga loan. Simple lamang ang aming batayang ideya: pumili ka ng halaga at panahon at makakakuha ka ng nangungunang listahan ng mga nagpapautang na handang magpadala sa iyo ng halagang iyon sa loob ng 15 minuto. Nakikipagtulungan lamang kami sa mga ligtas na organisasyon na kayang magsigurado ng 95% na pag-apruba, mabilis na pagpapadala, at mababang interes. Pindutin ito upang piliin ang halaga at panahon.

Almira Reyes
Editor
5853
298
Nirerekomendang basahin
Paano Magbayad ng Loan
Magbasa pa
Benepisyo ng Isang Online Loan
Magbasa pa
Paano ako Magiging Kwalipikado para sa Isang Loan?
Magbasa pa
5 Katangian ng Isang Perpektong Napapautang
Magbasa pa