PH

Pangunahing pahina / Blog / 7 Karaniwang Dahilan Upang Kumuha ng Loan

7 Karaniwang Dahilan Upang Kumuha ng Loan

Nasabi na namin sa iyo ano ang isang loan, kaya sa artikulong ito, ililinaw namin sa iyo kailan mo ito kailangan. Ang personal loan ay isang nakakatulong na paraan ng pagtanggap ng pera para sa iba’t ibang mga layunan. Hindi katulad ng mga sangla, car loan, o education loan, ang mga personal loan ay maaaring gamitin nang walang anumang limitasyon kung paano gamitin ang nasabing halaga. Ang aming serbisyo ay nagbibigay ng online na aplikasyon upang malaman kung ang nagpapautang ay inapruba ang hiling o hindi sa loob ng ilang minuto. Habang iniisip mo kung anong halaga ang iyong kailangan, ipapaalam namin sa iyo ang 7 dahilan sa pagkuha ng isang personal loan:

Pagpapaayos ng Saksakyan

Ang pagkasira ng kotse ay nagdudulot ng maraming abala kung sanay ka na komportableng gumalaw. Nangyayari ito nang biglaan at hindi inaasahan, kaya kailangan mong ipaayos ang sasakyan sa lalong madaling panahon. Sa karaniwan, ang insurance ay hindi sinasagot ang mga kinakailangang kumpuni. Maaari kang kumuha ng personal loan upang masigurado na ang iyong sasakyan ay mapaayos at magamit ulit sa pagmamaneho.

Renobasyon ng Bahay

Magastos ang pagpapaayos ng bahay, lalo na kung wala kang masyadong pera. Ang mga gastos na ganito ay maaaring makaapekto sa badyet ng pamilya at maaaring mahirap na makahanap agad ng malaking halaga ng pera. Sa ganitong sitwasyon, ang pagkuha ng loan ay isang solusyon. Mayroon kang sapat na oras na bayaran ito nang walang inaalala at ang matagalang renobasyon ay hindi na isang malaking pasanin sa iyo.

Pagpopondo ng iyong Bakasyon

Minsan gusto lang natin na iwan ang lahat at bumiyahe na lang. Ang paglalakbay ay nakakatulong sa atin na makalimutan ang buhay sa araw-araw, namnamin ang bawat pagkakataon, at tuklasin ang mundo. Gusto din natin ito! Gayumpaman, kailangan pag-usapan and pera hindi ba? Kung hindi ito kaya ng iyong bulsa, ang isang personal loan ay maaaring gawin totoo ang iyong nais na paglalakbay.

Pagbili ng mga Electronics o Gadget

Alam mo ba yung pakiramdam kapag naiipon ka ng pera ng ilang buwan para makabili ng bagong telepono pero nang bibilhin mo na ito, may mas bagong modelo na lalabas at kailangan mong mag-ipon ulit? O kapag nasira ang iyong laptop at kailangan mong bumili ng bago sa lalong madaling panahon? Sa mga ganiyong sitwasyon, ang isang loan ang tanging makakatulong.

Debt Consolidation

Ang debt consolidation ay isa sa pinakakaraniwang dahilan kung bakig nag-apply ng isang loan. Kapag nag-apply ka para sa isang loan loan at gamitin ito sa pagbayad ng ilang pang mga loan o credit card, ginugrupo mo ang lahat ng mga nalalabing balanse na iyon sa isang regular na pagbayad. Ang kombinasyon na ito ay nagpapadali sa iyo na makagawa ng panahon na bayaran ang iyong mga balanse at makontrol ang iyong pinansiya nang hindi naguguluhan. Ang mga personal loan ay nag-aalok ng maaagang pagbabayad ng utang nang hindi kailangang magbayad ng mga multa.

Hindi inaasahang gastos

Marahik ang pinakamaliwanag na paraan sa pagkuha ng isang personal loan ay ang mga malalaki at hindi inaasahan o emergency na gastos. Hindi ito maaaring ipagpaliban at kailangan ng agarang tugon. Ang mga hindi inaasahang gastos ay tulad ng pagpapalibing, bayaring medikal, pagbayad ng bayarin sa bahay at mga utility, at iba pa. Kapag hindi sapat ang iyong ipon, makakatulong ang isang personal loan.

Pagtatatag ng Credit History

Ang isang personal loan ay bagay na bagay para sa mga unang beses na nag-aapply rito dahil maaari kang pumili ng maliit na halaga at bayaran ito sa loob ng maiksing panahon. Sa ganitong paraan pinapatunayan mo ang iyong kakayahan na makapagbayad at makabuo ng isang positibong credit history, dahil ang isang mabuting credit ay mahalaga para sa iyong pinakamahusay na buhay pinansiyal.

Ano ang hindi inirerekomenda na itukoy na dahilan?

Ang isang mangungutang ay tiyak na tatanggihan ng hiling na umutang para sa pagsusugal, ilegal na bagay, at anumang may kaugnayan sa krimen. Maaaring madali naman itong maisip ngunit minsan nakakalimutan ito ng mga nanghihiram.

Gayumpaman, ang isang personal loan ay kinikilala na ‘personal’ dahil sa iba’t ibang paggamit dito. Ang pangunahing layunin nito ay upang malutas ang iyong maliliit na suliranin at makatulong kapag may mahirap na sitwasyon na mangyari sa iyong buhay.

Anupaman ang iyong dahilan sa pangangailangan ng loan, maaari kaming tumulong! Ang Cash Space ay hinahanap ang pinakamahuhusay na alok sa pinakamababang antas ng interes anuman ang iyong layunin o credit history. Mag-apply online.

Aries Perez
Editor
8218
5321
Nirerekomendang basahin
Ano ang Isang Loan?
Magbasa pa
5 Katangian ng Isang Perpektong Napapautang
Magbasa pa
Paano Mapapahusay ang iyong Credit History
Magbasa pa
Bakit Mas Popular ang mga Pinansiyal na Organisasyon kaysa mga Bangko?
Magbasa pa